Monday, April 6, 2026

House Committee on Justice, pinapaharap sa impeachment hearing si Omb Remulla bitbit ang SALN ni VP Duterte

Pinaparap ng House Committee on Justice si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa susunod na impeachment hearing sa April 14, 2026, 10:00 ng umaga sa People’s Center ng Batasan Pambansa sa Quezon City.

Batay ito sa “subpoena testificandum et duces tecum” na pirmado nina House Committee on Justice chairperson Gerville Luistro at House Speaker Faustino Dy III.

Nakasaad sa dokumento na isumite ni Remulla sa komite ang opisyal na rekord ng Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ni Vice President Sara Duterte para sa mga taong 2022 hanggang 2025; 2007 hanggang 2013; at 2016 hanggang 2022.

Batay sa dokumento ay maaring magsama si Remulla ng kanyang abogado pero limitado lang ang papel nito sa pagpapayo sa kanya at hindi maaring magsalita o lumahok sa proceedings.

Ang direktiba ng House Justice panel ay kaugnay pa rin sa proseso ng pagdetermina kung may probable cause ang dalawang verified impeachment complaints laban kay VP Duterte.

Facebook Comments