Umatras na sa kandidatura sa pagka-senador si House Deputy Speaker at SAGIP party-list representative Rodante Marcoleta.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Commission on Elections Commissioner George Garcia kung saan tinanggap aniya ng en banc ang withrawal ni Marcoleta kahapon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Marcoleta na nagdesisyon siyang umatras sa pagtakbo bilang senador dahil na rin sa pagiging mababa sa mga pre-election surveys.
Sa kabila nito, sinabi ng kongresista na patuloy siyang susuporta sa kampanya ng mga kasamahan sa UniTeam na pinangungunahan nina dating senador Bongbong Marcos Jr., at Davao City Mayor Sara Duterte.
Nagpasalamat din si Marcoleta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-endorso sa kaniya at sa tulong ng kanilang partidong PDP-Laban.
Si Marcoleta ay isa sa mga kongresistang bumoto noon para hindi i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.