87 Timbangan, 72 Negosyo Ininspeksyon ng DTI sa San Mateo, Isabela

Cauayan City, Isabela-Ininspeksyon ng mga kasapi ng DTI-Consumer Protection Division (CPD) at Negosyo Center San Mateo ang ilang timabanga gamit ang calibrated test weights kasabay ng isinasagawang Consumer Protection and Awareness Campaign sa San Mateo Public Market, San Mateo, Isabela.

Kabuuang 87 weighing scales ang ininspeksyon kung saan 22 ang napasakamay sa Municipal Treasurerโ€™s Office para sa kaukulang calibration.

Bukod dito,nasa pitumpuโ€™t dalawa (72) na kumpanya ang sinuri ng mga tauhan ng DTI para sa pagsunod sa Price Tag Law at Business Name Law.

Pinulong naman ng CPD Team ang labing-anim (16) na Market Vendor Association Members at Officers ng San Mateo Public Market para sa Business Education and Information (BEI) Forum, Entrepreneurial Development Training (EDT) at Operation Timbangan na tumutuon sa mga batayan ng pagsasagawa ng mga etikal na kasanayan sa negosyo at pagbuo ng isang pag-iisip ng entrepreneurial.

Tuloy-tuloy ang hakbang ng DTI R2-Isabela sa adbokasiya upang higit na pataasin ang kamalayan ng mga mamimili at pataasin ang pagsunod sa mga batas sa kalakalan sa mga kumpanya sa Isabela.

Facebook Comments