Umapela ng pagkakaisa si Majority Leader Martin Romualdez sa mga kapwa public servants sa katatapos lamang ng huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Romualdez, malakas at malinaw naman ang mensahe ng Pangulo sa kanyang SONA kaya kailangang isantabi na muna ng lahat ang pagkakahati-hati sa pulitika.
Kailangan aniyang kumilos sila bilang isang team at mabilis na aksyunan ang mga pangangailangan ng taumbayan at pagbangon ng ekonomiya mula sa epektong idinulot ng global pandemic.
Iginiit din ni Romualdez na hindi maitatanggi na napakaraming nagawa ng Duterte administration para sa bansa.
Aniya, kulang ang halos tatlong oras para ilahad ng Pangulo ang lahat ng mga mahahalagang programa at proyektong ipinatupad para maisaayos ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Naisakatuparan aniya ng Pangulo ang mga misyon na noong una ay mistulang imposible.
Ilan lamang aniya sa mga ito ay ang free college education, healthcare coverage para sa lahat ng mga Pilipino, free irrigation, autonomous government ng Bangsamoro, at pagbaba ng crime rate sa bansa.