Suportado ng liderato ng Kamara ang direktiba ni Pangulong Duterte na magpatupad ng travel ban sa Hubei Province kung nasaan naroon ang Wuhan at sa iba pang lugar sa China na apektado na ng 2019-novel corona virus.
Ayon kina Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez, nakakatiyak na pinahahalagahan ng pamahalaan ang kalusugan ng mga Pilipino.
Ito rin ay epektibong paraan para mapaigting ang kampanya ng gobyerno laban sa pagkalat ng nCoV.
Sinabi ni Romualdez na nakatitiyak na may gabay at tamang basehan ang mga DOH officials sa pagrerekomenda kay Pangulong Duterte na magpatupad muna ng pansamantalang travel ban ng mga Chinese nationals sa mga nCoV -hit areas.
Nakahanda din ang liderato ni Cayetano na suportahan ang anumang logistical requirements na kakailanganin ng ahensya sa paglaban sa infectious disease.