House Majority Leader Rodolfo Fariñas, hindi tatakbong senador sa 2019 midterm elections

Manila, Philippines – Nilinaw ni House Majority Leader Rodolfo Farinas na hindi siya tatakbong senador sa 2019 midterm election.

Ito ang iginiit ni Farinas matapos na maisama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga tatakbong senador ng PDP-Laban sa 2019 midterm election.

Ayon kay Farinas, minsan na siyang nilapitan ni Senate President Koko Pimentel at kinumbinsing isama sa senatorial slate ng PDP-Laban.


Pero tinanggihan na niya ito at sinabi kay Pimentel na magreretiro na siya sa pulitika pagkatapos ng kanyang huling termino sa Kamara.

Mas pinili ni Farinas na gawin ang kanyang obligasyon sa pamilya at ito ay puntahan kada weekend ang lugar kung saan nasawi ang kanyang anak sa motorsiklo para ipagdasal ito.

Sa katunayan, hindi na siya sumama sa oath-taking ng mga miyembro ng partido kahit si Speaker Pantaleon Alvarez pa ang nag-aaya sa kanya.

Facebook Comments