Manila, Philippines – Sumugod sa Korte Suprema si House Majority Leader, Rolando Andaya, Jr., para ihain ang petition for Mandamus.
Sa nasabing petisyon, hiniling ni Andaya sa Supreme Court na atasan si Budget Secretary Benjamin Diokno na ipatupad na ang 4th tranche ng salary standardization law na magiging daan ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa gobyerno epektibo ngayong Enero.
Ayon kay Andaya, hindi maaring ikatwiran ng Budget Secretary na hindi pa naipapasa ang 2019 national budget kaya hindi pa maipapatupad ang 4th tranche ng SSL.
May bahagi anya sa reenacted budget na maaring mapagkunan ng mahigit 40 billion pesos na pondo para sa SLL.
Nilinaw ni Andaya na isa lamang siya sa maraming petitioner na empleyado ng iba’t ibang sangay ng gobyerno.