House Majority Leader Rolando Andaya Jr., muling iimbitahan si Sec. Benjamin Diokno

Manila, Philippines – Iginiit ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na dapat na dumalo sa imbestigasyon sa Umano ay kwestyunableng alokasyon ng Department of Budget and Management (DBM) si Secretary Benjamin Diokno.

Ayon kay Andaya, sa halip namga Undersecretary at iba pang Senior DBM Officials ang ipadala para gisahin, dapat ay ang kalihim ang magpaliwanag dahil siya ang top decision maker sa kanyang departamento.

Buko dito, kinuwetiyon din ng mambabatas ang ginawang bidding ng DBM procurement service para sa P37 bilyong halaga ng consultancy contracts kung saan hindi sakop ng mandato nila na gawin ito.


Pero paliwanag ni Bingle Gutierrez – Executive Director ng Procurement Service, dumaan sa tamang proseso ang bidding at wala daw kinalaman si Diokno.

Itinakda naman ang pagdinig sa Enero 21, kaya umaasa si Andaya na sisipot na si Diokno para maipaliwanag ang panig niya sa nasabing isyu.

Facebook Comments