Manila, Philippines – Iginiit ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na wala pang alok sa kanya para maging DILG Secretary pero bukas sakaling ibigay sa kanya ang posisyon.
Lumalabas sa mga ulat na ikinukunsidera siya ng Malakanyang para punan ang posisyong nabakante ng sinibak na si dating DILG Secretary Ismael Sueno.
Ayon kay Fariñas, wala pa namang kumakausap sa kanya mula sa palasyo para sa pormal na alok sa bagong posisyon.
Sinabi ni Fariñas na tatapusin muna niya ang kanyang termino bilang kintawan ng Ilocos Norte.
Maaaring pag-isipan niyang tanggapin ang pwesto kung ialok ito sa kanya matapos ang kanyang termino.
Bukod sa pagiging kinatawan ng Ilocos Norte, pinamumunuan din nito ang House Rules Committee kaakibat ng kanyang pagiging House Majority Leader.
DZXL558