House Quad Committee, planong kausapin ang confessed Chinese spy na si She Zhijiang sa Thailand

Posibleng magtungo sa Thailand ang mga kongresistang namumuno sa House Quad Committee para kausapin ang nagpakilalang Chinese spy na si She Zhijang.

Ayon kay Quad Comm Overall Chairman at Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers, ang naturang hakbang ay kanilang napag-uusapan.

Sabi ni Barbers, layunin ng kanilang plano na mabusisi ang inilahad ni She na katulad niya ay espiya rin ng China si dating Bamban Mayor Alice Guo na tinatawag nyang Guo Hua Ping.


Gayunpaman, binanggit ni Barbers na walang katiyakan na pahihintulutan sila ng Thai authorities na makaharap at makausap si She.

Bunsod nito ay hinikayat ni Barbers ang mga kaukulang ahensya tulad ng Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ) o kaya ay mga opisyal ng embahada na makipag-usap sa kanilang counterparts sa Thailand upang makunan ng testimonya si She na makakatulong sa imbestigasyon kay Guo.

Facebook Comments