Manila, Philippines – May kondisyon si House Speaker Pantaleon Alvarez bago maibalik ang orihinal na ipinanukalang pondo ng Commission on Human Rights.
Sa isang press briefing, sinabi ni Alvarez na kinakailangan munang makapagpakita ang CHR ng kumpleto at detalyado nitong programa o nakalinyang gawain.
Aniya, kung maganda ang programa ng CHR ay malamang na makumbinsi ang mga miyembro ng Kamara na na ibalik ang dating pinanukalang salaping gastusin nito sa sandaling maisalang na ang 2018 budget sa bicameral committee meeting.
Nauna nang binigyan ng Kamara ng 1,000 pesos na budget ang CHR .
Ginamit na dahilan ng Kamara ang abiguan umano ng komisyon na magampanan ng maayos ang iniatas dito na tungkulin partikular na ang pagimbestiga sa mga human rights violations ng mga grupong kriminal at terorista.