House Speaker Alvarez, Umaasang Makukulong Na Sa Susunod Na Taon Si Sen. De Lima

7

MANILA – Umaasa si House Speaker Pantalleon Alvarez na maipakukulong na ng gobyerno si Sen. Leila De Lima sa susunod na taon.Ayon kay Alvarez, dapat ng masundan ng mga paglilitis ang mga imbestigasyon laban kay De Lima at mga naisampang kaso sa Dept. of Justice.Anya, naghihintay pa rin siya ng rekomendasyon ni House Justice Committee Chairman Reynaldo umali sa kung ano ang dapat gawin ng kamara kung saan hindi pinansin ni De Lima ang kanilang show cause order.Maari anyang tambakan nila ng reklamo si De Lima at isakatuparan ang apat na opsyon ng kamara laban sa senadora.Kabilang dito ang paghahain ng reklamo sa Senate Ethics Committee, pagsasampa ng disbarment case sa Korte Suprema, kaso sa regional trial court para sa paglabag sa article 150 dahil sa panghihimasok sa proseso ng kamara at isa pang kaso sa RTC para sa indirect contempt.

Facebook Comments