Pagsasampa Ng Kaso Sa Grupo Ni Cidg 8 Supt. Marvin Marcos, Walang Epekto Sa Imbestigasyon Ng Senado

23

MANILA – Walang magiging epekto sa imbestigasyon ng senado ang pagsasampa ng kaso sa grupo ni dating CIDG-Region 8 Director Supt. Marvin Marcos kaugnay ng pagkakapatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Ping Lacson – “in aid of legislation” naman ang ginawa nilang imbestigasyon.Sabi pa ni Lacson, na maari din nilang busisiin ang isyu sa pagpigil ni Pangulong Rodrigo Duterte para masibak sa pwesto si Marcos.Pwede anyang ipagpatuloy ang pagdinig kung magkakaroon ng mga development.Pero sa ngayon, naniniwala ang senador na sapat ang mga isinagawang pagdinig para makakuha sila ng mga impormasyon at makabuo ng mga panukalang batas kaugnay nito.

Facebook Comments