House Speaker Cayetano, bumuo ng team laban sa mga naninira sa SEA Games Ornizers

Bumuo ng Team si House Speaker Alan Peter Cayetano na siyang magsisiwalat ng mga nasa likod ng paninira at pag-aalipusta sa kampanya laban sa Philippine Souteast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Ayon kay Cayetano, palalagpasin nila ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon para siraan ang mga SEA Game Organizer dahil bahagi naman ito ng demokrasya.

Aniya, hindi mahaharap sa Criminal o Civil Complaints ang taong nagpakalat ng fake news sa Social Media.


Iginiit ni Cayetano na pwedeng hindi sumang-ayon sa gobyerno pero hindi maaaring isabotahe ang mamamayan at ang pamahalaan.

Dagdag pa niya na mayroong mga batas gaya ng Cyber Libel na pwedeng isampa sa mga pasimuno ng Disinformation Campaign.

Facebook Comments