PRRD, isinusulong muli ang Revolutionary Government

Muling ipinanukala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatag ng Revolutionary Government para itama ang mga mali.

Ito’y sa gitna ng Water Concession Controversy.

Ayon kay Pangulong Duterte, nais niyang bumuo ng Revolutionary Government kaysa sa magdeklara ng Martial Law.


Susuportahan din niya ang isang Military-Led Coup kung hindi niya matatapos ang kanyang termino.

Una nang nagbanta ang Pangulo na sasampahan ng Economic Sabotage ang Maynilad at Manila Water dahil sa mga probisyon sa 1997 Concession Agreement na dehado ang taumbayan at gobyerno.

Facebook Comments