House Speaker Pantaleon Alvarez, hihilingin sa Kongreso na palawigin pa ng limang taon ang Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Hihilingin ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Kongreso na palawigin pa nang limang taon ang martial sa buong Mindanao.

Ito ay para mabigyan ng mas mahabang panahon si Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang terorismo sa rehiyon.

Paliwanag ni Alvarez, masyadong maikli ang dalawa o limang buwan para mapulbos ang mga terorista sa Mindanao.


May 23 nang magdeklara ng batas militar sa buong Mindanao si duterte kasunod ng pag-atake ng Maute Group sa Marawi.

Naging basehan ng martial law declaration ang rebelyon dahil sa umano’y planong pagkubkob ng teroristang grupo sa Marawi para gawin itong ISIS province.

Ayon sa Pangulo, nakadepende sa rekomendasyon ng AFP at PNP kung aalisin o palalawigin niya ang batas militar.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments