Manila, Philippines – Limang matutunog na pangalan ang maglalaban-laban na house speakership na papalit kay outgoing Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Kabilang na rito ang mga nanalong kongresista nitong eleksyon na sina Taguig 1st District Representative Alan Peter Cayetano, Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez, Marinduque Representative Lord Allan Velasco, Leyte Representative Martin Romualdez at maging ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Representative Paolo Duterte.
Sa magkahiwalay na panayam, kapwa kinumpirma nina Romualdez at Velasco na kumikilos na sila para makamit ang nasabing posisyon.
Sinabi ni Romualdez na nagpaalam na siya kay Pangulong Duterte at Arroyo ukol dito.
Si Velasco naman ay inendorso ni presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Nilinaw naman ni Mayor Inday na hindi siya ang tamang tao para mag-endorso.
Patungkol naman sa kanyang kapatid na si Pulong, mainam na idirekta na lamang aniya sa kanilang ama bilang pinuno ng kanilang pamilya at Pangulo.
Sa July 22 ang nakatakdang magbukas ang 18th Congress kasabay ng State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.