Kaso ng carnapping sa bansa nitong 2018, bumaba

Bumaba ang kaso ng carnapping bansa.

Sa datos ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), mula sa 432 na insidente ng pagnanakaw ng sasakyan noong 2017 ay bumaba ito sa 326 nitong 2018.

Ayon kay PNP-HPG Chief, P/Brig. Gen. Roberto Fajardo – malaki ang naitulong ng patuloy na manhunt operation upang masawata ang mga mastermind ng carnapping.


Malaki rin ang tulong ng ginagawa nilang matrix kada makakahuli ng suspek sa pagbaba ng bilang carnapping.

Binabantayan din ng PNP-HPG ang car scam na bagong modus ng mga masasamang loob kung saan nirerentahan nila ang mga sasakyan at hindi na nila ito ibabalik.

Sa 155 narekober na sasakyan ng PNP-HPG mula sa car scam, 36 dito ang naibalik sa mga may-ari.

Facebook Comments