MANILA – Sisimulan na bukas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kanilang Fire Prevention Month Campaign.Sa interview ng RMN kay BFP Spokesman Supt. Renato Marcial, kahit bukas pa ang opisyal na Fire Prevention Month ay dapat araw-araw pa ring nag-iingat ang publiko.Alas-5:00 bukas ng umaga ay magma-martsa ang mga tauhan ng BFP sa Quezon City Memorial Circle bilang pagsalubong sa buwan ng Marso.Gagawin rin ang House-To-House Campaign ng mga tauhan ng BFP para maitaas ang awareness ng publiko kung paano makakaiwas sa sunog.Madalas kasing sanhi ng sunog ang faulty electric wirings at tumataas ang insidente ng sunog tuwing tag-init.Aniya, pwede itong maiwasan sa pamamagitan ng ibayong pag-iingat at paghahanda.Samantala, inamin ng BFP na marami pang munisipalidad sa bansa ang walang truck ng bumbero.Pero ayon kay Marcial, unti-unti na nila itong natutugunan sa ilalim ng modernisasyon ng BFP.Nito lang ay nakumpleto na ang pamamahagi ng 469 na bagong fire trucks.
House To House Campaign, Sisimulan Ng Bureau Of Fire Protection Bukas Kasabay Ng Fire Prevention Month
Facebook Comments