Hinikayat ni Assistant Majority Leader at Quezon City Representative Precious Hipolito-Castelo ang Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) na magsagawa na ng house-to-house vaccination sa pamamagitan ng local government units (LGUs).
Napuna kasi ng lady solon na hindi lahat ng mga tao na ayaw magpabakuna ay takot talaga sa bakuna kundi ayaw lamang magpunta sa mga barangay o vaccination centers sa pangambang doon pa mahawa ng coronavirus disease.
“They do not want to go to barangay vaccination centers because of overcrowding. They fear they might get the virus there. They will take the jab if offered in their homes or villages, which is what we have observed in some of the subdivisions in our district where inoculation has been allowed,” ani Castelo.
Naniniwala si Hipolito-Castelo na isa sa mga paraan para mapabilis ang pagbabakuna ay hanapin ang mga tao sa mismong mga bahay at alukin ng vaccine.
Ayon kay Hipolito-Castelo, dahil inaasahan na ang magkakasunod na pagdating ng mga COVID-19 vaccines ngayong buwan at sa Hunyo ay dapat na madaliin na ng gobyerno ang vaccine rollout upang matiyak na maraming Pilipino na ang mabigyan ng bakuna.
“With the expected arrival of millions of doses of COVID-19 vaccines this month and next month, the IATF and the DOH have to ramp up vaccine rollout to inoculate as many Filipinos as possible and as fast as possible,” dagdag pa ng mambabatas.
Magagawa aniyang kumbinsihin ng pamahalaan ang mga taong nagaalangan na magpaturok ng bakuna at lumabas ng bahay kung mismong ang mga LGUs ang lalapit sa mga tahanan at magpapaliwanag sa benepisyo ng COVID-19 vaccine.
“The government can persuade many of those who are hesitant to take the jab to get vaccinated if LGU teams knock on their doors and explain the benefits of taking it,” sabi ni Castelo.
Tiwala rin ang mambabatas na kung gagawin ang home-to-home visit immunization ay hindi lang mapapabilis ang vaccination program kundi madali ring makakamit ang herd immunity ng bansa.