HOUSING PROJECTS SA SAN FERNANDO, MASINSINANG PINAG-USAPAN

Nagpulong ang City Government ng San Fernando, La Union at Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) para pag-usapan ang posibleng housing projects sa siyudad.
Sa housing programs na ito ng National Government, ipinrisinta ng DHSUD ang programa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino: Zero Informal Settler Families (ISF) 2028 Program, A Home for Every Juan.
Ang programang ito na tugunan ang housing backlog ng bansa gamit ang paggawa ng isang milyong housing units kada taon.

Kung sa anim na taon, may kabuuang anim na milyong bahay ang posibleng magawa.
Kasama sa pagpupulong ang DHSUD Regional Director, Department of Interior and Local Government, Chamber of Real Estate & Builders’ Association, Inc., at iba pang kawani ng City Government. |ifmnews
Facebook Comments