NUTRITION SECTION NG CITY HEALTH OFFICE NG ALAMINOS, NAGSAGAWA NG TRAINING PARA SA CHILD DEVELOPMENT WORKERS

Nagsagawa ng isang training para sa mga Child Development Workers ang Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamamagitan ng Nutrition Section ng City Health Office.
Ukol sa ‘Weight Monitoring and Promotion of Good Nutrition Training’ ang isinagawa ng ahensya at apatnaput limang mga Child Development Workers ang nag-participate.
Naglalayon ng naturang aktibidad na maging mas pamilyar sa tamang paraan ng pagkuha ng timbang at taas ng mga bata ng sa gayon ay maproseso ng maayos ang kalagayan ng mga bata pagdating sa kanilang nutrisyon. |ifmnews

Facebook Comments