Housing Units Para Sa Afp At Pnp, Pinasisiyasat Sa Kamara

6

MANILA – Pinaiimbestigahan nila Magdalo Reps. Francis Ashley Acedillo at Gary Alejano ang umano’y substandard na housing units na programa ng National Housing Authority o NHA para sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.Partikular na itinayo ang mga housing units ng AFP at PNP sa Baras, Rizal at Manolo Fortich, Bukidnon.Ikinumpara pa sa bahay ng kalapati ang mga housing units na hindi magkakasya para makapamuhay at manirahan ng disente at maayos ang isang pamilya.Sa aktwal na inspeksyon, bukod sa walang tubig at kuryente, ang pundasyon at dingding ng mga bahay ay hindi kumpletong sementado.Dagdag pa dito, substandard din ang construction ng septic tank at walang access sa mga social services tulad ng paaralan, health centers at malayo sa lugar trabaho.Giit ng mga Magdalo sa Kamara, hindi makatao ang kondisyon ng pabahay, para sa mga sundalo at pulis na nagsa- sakripisyo at nagbubuwis ng kanilang buhay para sa bayan. (MISS CONDE BATAC – RMN DZXL 558)

Facebook Comments