Pacquiao, Umangat Pa Kahit Nagkaroon Ng Kontrobersya Sa Lgbts

1

MANILA – Napatunayan lamang na mas dumami ang mga supporters at kaalyado ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao matapos na umangat pa ito sa pang-anim na pwesto sa latest SWS survey.Ito ay sa kabila ng naging “unpopular stand” ni Pacquiao patungkol sa same-sex marriage na inihalintulad umano nito sa masahol pa sa hayop.Ayon kina CIBAC Rep. Sherwin Tugna at Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, nagawa ng pambansang kamao na makabawi sa survey matapos na mailabas ang long version ng video kung saan nilinaw nito na hindi niya tinutuligsa ang LGBTs kundi ang akto lamang ng same-sex marriage na tutol sa nilalaman ng bibliya.Nanumbalik umano ang suporta kay Pacquiao dahil napaliwanag naman nito na wala siyang galit o hadlang sa mga LGBTs.Ginawa ang survey tatlong linggo matapos ang kontrobersyal na pahayag ni Pacquiao sa LGBT kung saan mula sa 9th place ay umangat ito ng tatlong puntos o nasa 6th place na sa magic 12 na mga senatoriables. (MISS CONDE BATAC – RMN DZXL 558)

Facebook Comments