Houston Rockets, panalo kontra Charlotte Hornets; San Antonio Spurs, nalasap ang unang talo sa naging laro laban sa Orlando Magic

NBA – Muling kumamada ng triple-double si James Harden para makuha ang panalo ng Houston Rockets kontra Charlotte Hornets.

Nanalo ang Rockets sa iskor na 109-93 kung saan nakapagtala ng 27 points, 10 rebounds at 11 assists si Harden.

Samantala, nakuha ng San Antonio Spurs ang kanilang unang talo laban sa Orlando Magic sa iskor na 114-87.


Nalasap naman ng Oklahoma City Thunders ang kanilang ikatlong pagkatalo sa naging laro kontra Minnesota Timberwolves sa iskor na 119-116.

Facebook Comments