Netizen, galit na ipinahayag sa social media ang ginawang pagsingit sa pila ng aktres na si Angelica Panganiban

Manila, Philippines – Galit na galit na ipinahayag ng isang netizen sa kanyang Facebook post ang diumano’y pagsingit sa pila ng aktres na si Angelica Panganiban.

Usap-usapan ngayon sa social media ang post kahapon ng isang JC Valenzuela na nagkwento kung paanong nag-cut sa linya sa immigrations si Angelica.

Kasama rin daw ng aktres ang celebrity hairstylist na si Jing Monis at top makeup artist na si Juan Sarte.


Ayon pa kay Valenzuela, tinawag niya ang pansin nina Angelica pero dedma raw ang mga ito sa kanya at hindi pa rin umalis sa pila.

Nasa Taiwan ang grupo ni Angelica at wala pa ring komento tungkol sa bintang ng netizen.

Facebook Comments