Houston Rockets, tiniyak ang ilang pagbabago sa laban nila kontra Los Angeles Lakers

56

Asahan na ang malaking pagbabago sa Houston Rockets para sa kanilang laban kontra Los Angeles Lakers sa NBA playoffs semifinals.

Ayon sa Rockets, mas palalawakin nila ang kanilang rotation.

Isa rin sa adjustment na pinaghahandaan ng Rockets ang posibleng paggamit ng Lakers kina Anthony Davis at JaVale McGee.

Sa naging panalo kasi ng Rockets laban sa Oklahoma City Thunder ay nagamit nila ang walong manlalaro.

Facebook Comments