Kita ni Gladys Guevarra sa negosyo, tinangay raw ng kaniyang ex-fiance

259

Emosyonal na inamin ng singer/comedian na si Gladys “Chuchay” Guevarra na pinagnakawan siya ng kanyang ex- fiance.

Sa kaniyang Facebook live, sinabi ni Gladys na pinagtalunan nila ng kaniyang ex-fiance na si Leon Sumagui ang kanyang kakanin business hanggang sa layasan siya nito tangay ang perang kanyang kinita.

Sa ngayon aniya ay hindi na niya ito makontak.

Buhos naman ang pagsuporta ng fans nito at pinayuhang ipasa-Diyos na lamang ang sitwasyon.

Facebook Comments