Pinababago ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo ang packaging ng High Occupancy Vehicle o HOV policy ng MMDA.
Ayon kay Castelo, tama ang intensyon ng hov na makabawas ng traffic sa EDSA ngunit mali ang marketing na ginamit dito ng MMDA.
Aniya, pinalalabas kasi ng MMDA na bawal dumaan ang nag-iisang commuter sa EDSA kaya’t umani ito ng maraming pagbatikos mula sa publiko lalo na sa Senado dahilan kaya nasuspinde ang implementasyon nito.
Payo ni Castelo, ang marketing strategy sana na ginamit ay manghimok ng kaibigan o katrabaho na makakasabay sa byahe at maaari nang dumaan sa EDSA.
Kung ito ang ginamit na marketing strategy noong una pa lang ng MMDA ay ‘less resistance’ sana ang nangyari sa hov policy.
Ngayong Huwebes ay magpupulong ang MMDA at Metro Manila Council at hiniling ni Castelo na i-calibrate ang marketing sa HOV upang maging matagumpay ang implementasyon nito.