HOV POLICY | MMDA, pinag-aaralan na kung itutuloy ang pagpapatupad ng HOV sa EDSA

Manila, Philippines – Pag-aaralan pa ng Metro Manila Development Authority kung sususpindihin o tuloy – tuloy nang ipatutupad ang High Occupancy Vehicle policy sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, bukas, nakatakdang magpulong ang Metro Manila Council, makaraan ang isang linggong dry run ng HOV policy, at dito nila tatalakayin kung isusulong ba ito o ititigil na.

Ang problema kasi ayon kay Garcia, ay dahil sa wala pang apprehension o multa kaya’t ang mga motorista ay hindi pa sumusunod sa kasalukuyan.


Bagamat aminado si Garcia na ang HOV Policy ay short term solusyon lamang para sa trapiko sa EDSA, aniya hindi kasi maaari na walang gawin ang MMDA, habang tinatapos ang mga long term solution sa trapiko tulad ng MRT at subway, na aabutin pa ng maraming taon.

Facebook Comments