I-EEVALUATE | Mga aplikante sa bakanteng posisyon sa Court of Appeals, sumalang na sa psychological evaluation

Manila, Philippines – Sumalang na sa psychological evaluation ang lima sa 30 aplikante para sa bakanteng posisyon bilang Associate Justice sa Court of Appeals.

Ang duktor ng Korte Suprema ang nagsasagawa ng psychological evaluation sa mga aplikante para sa nabakanteng pwesto ni Justice Socorro Inting matapos syang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang commissioner ng Commission on Elections.

Sa Agosto 28 naman ang schedule ng panaglawang batch.


Itinakda na rin ng Judicial and Bar Council sa September 4 at September 5 ang public interview sa 15 aplikante sa nasabing posisyon.

Ang ibang 15 aplikante ay hindi na sasalang sa public interview dahil balido pa ang nauna nilang JBC public interview bilang aplikante sa ibang posisyon.

Facebook Comments