Manila, Philippines – Pinaghahanda ni Senadora Grace Poe ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ng full report hinggil sa sinusubok na High Occupancy Vehicle o HOV scheme sa EDSA.
Ayon kay Poe, asahan na ng MMDA na hihingin ito sa gagawing pagdinig ng senate public services committee na kaniyang pinamumunuan.
Aniya, nais nilang malaman ang naging epekto sa trapiko ng isinagawa nilang dry run ng HOV policy na nagbawal sa mga driver only vehicle sa EDSA tuwing rush hour.
Maliban rito, sinabi ni Poe na gusto rin niyang malaman kung nakahikayat ito ng carpooling na layunin ng MMDA sa pagpapatupad ng HOV scheme.
Giit ni Poe, dapat rin malaman kung hanggang kailan isasagawa ang dry run.
Facebook Comments