HPAAC, inirekomenda ang targeted testing

Inirekomenda ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) ang targeted testing sa gitna ng surge ng COVID-19 cases sa halip na mass testing.

Sa statement, sinabi ng HPAAC na ang targeted testing ay dapat sabayan ng maayos na counseling at management sa mga indibiduwal batay sa kanilang test results.

Importante anilang palawakin ang testing capacity lalo na sa mga nangangailangan nito partikular ang mga indibiduwal na hinihinalang may COVID-19 batay sa kanilang sintomas at history ng close contact.


Naniniwala ang HPAAC na hindi praktikal ang indiscriminate mass testing.

Sa bansang kagaya ng Pilipinas, mahirap ipatupad ang testing, tracing at treatment.

Hindi rin inirerekomenda ng HPAAC ang pagsasagawa ng test sa mga indibiduwal na asymptomatic at walang history ng close contact.

Ang pagkakaroon ng false positive results ay posibleng magdulot ng panic, stigma at hindi napapanahong isolation.

Facebook Comments