HPG-ARMM nakipag ugnayan nasa may-ari ng Toyota Vios na narecover nila sa lungsod.

Tatlong araw na umanong sumailalim sa surveillanceng ng Highway Patrol Group ARMM ang Toyota Vios na kulay gray makaraang mamataan itong paikot-ikot sa Cotabato city.Ayon kay SPO4 Taha Enok mula pa noong araw ng linggo ay hinahanap na nila sa siyudad ang nasabing sasakyan makaraang pumasok sa kanilang database na kinarnap ito isang taon na ang nakalipas. Kayat ng makitang nakaparada sa Notre Dane avenue ang Toyota vios ay kaagad na pinostehan nila ito ng tao ngunit hindi na bumalik ang driver hanggat kinuha na lamang nila ito ay dinala sa HPG-ARMM office. Sinabi pa ni SPO4 Enok na taga Pasay daw ang may-ari ng sasakyan at silay nakipag ugnayan narin upang makuha ang Toyota vios.

Facebook Comments