NFA RICE | Pagtaas ng presyo ng bigas, pinangangambahan

Manila, Philippines – Hindi inaalis ni Senator Bam Aquino ang posibleng pagtaas pa ng presyo ng bigas ngayon dahil sa pagkaubos ng reserba ng NFA rice.

Ayon kay Aquino, dahil dito ay mapipilitan ngayong magbawas ng kanin ang karaniwang Pilipino.

Sa impormasyon ni Senator Bam, ang 35 pesos per kilo ng bigas noon, ay 45 pesos na ngayon.


Pangunahing sinisisi ng senador ang National Food Authority o NFA dahil hinayaan nitong lumaki ang problema na dulot ng kanilang kapalpakan.

Una rito ay iginiit ni Aquino, gayundin ni Senator Grace Poe na magbitiw na si NFA Administrator Jason Aquino at palitan ng isang bagong pinuno na may kakayahang solusyunan ang nabanggit na problema.

Facebook Comments