HPV vaccine, isinama na rin sa “back to bakuna” program ng DOH

Muling umarangkada ang “back to bakuna” program ng Department of Health.

Isinama na rin sa mga vaccination program ang HPV vaccine na ibibigay sa mga kababaihan na nasa edad  9-14 years old.

Ayon kay Dra. Corazon Flores, ang HPV vaccine ay  bagong bakuna na mabisang pangontra sa pagkakaroon ng kumplikasyon sa cervical cancer.


Batay sa datos ng DOH, pangalawa ang cervical cancer sa sanhi ng pagkamatay ng mga batang kababaihan.

Batay pa sa pag aaral, 64 percent ang tsansa na magkakaroon ng pangontra o hindi magka-impeksyon sa cervix ang mga batang kababaihan kapag napabakunahan ng HPV.

Target ng DOH na mapabakunahan ng HPV ang abot sa may 17,000 na mga kababaihang mag-aaral sa NCR.

Inilunsad ngayong araw ang “back to bakuna” sa Quezon City kung saan isang Ceremonial vaccination ang isinagawa sa Betty Go Elementary School.

Nakatakda ring isunod dito ang 6 pang pilot areas tulad ng Caloocan, Marikina, Taguig, Pasay, Mandaluyong at Valenzuela.

Maliban sa HPV, kabilang sa mga ibibigay sa school based immunization ay ang bakuna kontra tigdas at dipterya.

Mas bumaba na ngayong taon ang vaccine hesitancy o takot ng mga magulang na hindi pabakunahan ang kanilang mga anak kung ikukumpara noong nakaraang taon nang pumutok ang dengvaxia scare.

Facebook Comments