HSAL Batch 1992 at 99.5 iFM Laoag Partners Ulit

178

Sa ikalawang pagkakataon ay naglunsad muli ang Holy Spirit Academy of Laoag Batch 1992 at 99.5 iFM Laoag ng Rainy Day Mini Bazaar at Bingo Bonanza sa Laoag City Basketball Court noong Huwebes at Biyernes, June 29-30, 2017.
Dinagsa ng maraming tao ang unang araw at pagbubukas ng Mini Bazaar and Rummage Sale na dito mo makikita ang mga ibat-ibang uri ng mga produkto ng Ilocos, RTWs at iba pa. Dinayo ito ng maraming tao hindi lamang sa mura kundi sa magandang kalidad ng mga ito.

Sa ikalawang araw ay naganap naman ang Bingo Bonanza na kung saan ay namigay ng iba’t ibang bonggang papremyo at may kasama pang paraffle.
Si DJ Melo Dee ng Time to Share sa iFM tuwing gabi 9PM-12MN, Lunes hanggang Sabado ay isa sa mga Batch 1992 ng Holy Spirit Academy of Laoag.

Facebook Comments