Lalake, patay matapos barilin at pagtatagain ng mag-ama sa isang bayan sa Capiz

172

Jamindan, Capiz- Patay ang isanglalake matapos pagbabarilin at pagtatagain ng mag-ama sa Brgy. San Jose,Jamindan, Capiz alas 4:45 ng hapon noong nakaraang araw ng Biyernes. Kinilala ang biktima na si Don JhonDejongoy y Parillon alyas “Bobot” at ang mga suspek naman ay sina Reynaldo at  Rodney Sebanes pawang mga residente ngnasabing lugar.
  Sa inisyal na imbestigasyon ngJamindan PNP, tinambangan ng mag-amang Sebanes ang biktima habang sakay ito sakanyang motorsiklo at pinababaril. Hindi pa nakuntento ang mga suspekpinagtataga pa ang biktima. Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib si Dejongoy,malaking sugat sa leeg at ibat-ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ngkanyang pagkamatay.
  Dating hidwaan sa pagitan ng mgasuspek at biktima ang naging dahilan ng nasabing krimen. Sinasabing inanakandaw umano ng suspek na si Rodney ang nakababatang kapatid ng biktima pero ibangbabae ang kinakasama nito. Sa ngayon, patuloy pa na inaalam ng mga pulis angkinaroroonan ng mga suspek.

Facebook Comments