HSAL Batch ’92 at iFM Laoag, Partners Forever

Muling nagsagawa ng feeding program sa Gabu Elementary School, Laoag City ang Holy Spirit Academy of Laoag (HSAL) Batch ’92 sa selebrasyon ng kanilang Silver Anniversary.

Si Best Friend Melo Dee ng Time to Share sa iFM ay kabilang sa nasabing batch. ” Masaya talaga pag nakikita mong nasisiyahan ang mga bata sa kanilang natatanggap na kahit na para sa atin ay konting bagay sa kanila talagang naeenjoy nila kaya masaya ang tumulong”. banggit niya.

Hindi man ito ang unang serbisyo nila sa publiko pero para sa kanila talagang ang excitement ay lagi nilang dala.


Nagpasalamat naman na may galak ang mga bata sa kanilang natanggap mula sa nasabing batch at iFM.

Nakasama din si Boom Tere ng iFM Kulitan sa Umaga na nakisaya sa mga bata.

Ang 99.5 iFM Laoag ang Official Media Partner ng HSAL Batch ’92 sa lahat ng kanilang mga aktibidad.




Facebook Comments