Hubad na Larawan ng Brgy. Kagawad at 1 Lalaki, Viral sa Social Media

52

Cauayan City, Isabela- “BISEXUAL AKO.”

Ito ang diretsahang sinabi ni Kagawad Beltran Almendral ng Barangay Sangbay, Nagtipunan, Quirino matapos kumalat sa social media ang ilan umanong hubad na larawan kasama ang isang lalaki.


Sa panayam ng iFM Cauayan kay Almendral, pinabulaanan nito ang pagkakadawit ng kanyang malaswang larawan kasama ang isang lalaki at kanyang iginiit rin na walang matinong pag-iisip ang magsasapubliko ng ganitong larawan.

Ayon sa kanya, ‘edited’ ang larawan na kumalat sa social media at kanya itong paiimbestigahan kahit na ‘dummy account’ ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng hubad na larawan.

Matagal na umanong alam ng taumbayan ang kanyang personalidad na siya ay isang miyembro ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBT) simula pa ng nanungkulan siya bilang Sangguniang Kabataan (SK).

Posible aniya na bahagi ito ng paninira sa kanya dahil ang pagkakaalam umano ng ilang kontra sa kanya ay tatakbo ito sa Eleksyon pero binigyang diin niya na hindi umano siya kakandidato sa darating na halalan.



Facebook Comments