Jaymar Gimpayan, hinirang bilang MVP ng VisMin Super Cup Visayas Leg

34

Kinilala si Mjas Zenith-Talisay forward player Jaymar Gimpayan bilang Most Valuable Player (MVP) ng VisMin Super Cup Visayas Leg.

Nakapagtala si Gimapayan ng 416 points sa isinagawang MVP race built.


Siya ay nakapagtala ng average 12.5 points at 8.9 rebounds kada laro.

Inialay niya ang kanyang nakamit na karangalan sa kanyang nakakatandang kapatid na siyang nag-udyok sa kanya na maglaro ng basketball.

Nagpasalamat din siya sa kanyang mga teammates na siyang naging kasangga niya habang nasa bubble sila.

Nagpapatuloy ang best-of-three finals ng VisMin Super Cup Visayas Leg sa pagitan ng Mjas-Talisay at KCS-Mandaue na ginaganap sa Alcantara Civic Center sa Cebu.



Facebook Comments