Hugpong ng Pagbabago, kinundensa ang pagsibak kay Davao City Rep. Isidro Ungab sa Committee on Appropriations

Pumalag ang Hugpong ng Pagbabago na pinamumunuan ni Davao City Mayor Sara Duterte sa pagsibak kay Davao City Rep. Isidro Ungab sa makapangyarihang Appropriations Committee.

Sa isang statement na ipinadala, kinukundena umano ng HNP ang hindi katanggap-tanggap na pagtanggal sa posisyon kay Ungab.

Makakaapekto ito ayon sa pinamumunuang regional party ni Inday Sara sa reform agenda para sa sambayanang Filipino ng Duterte administration.


Pinapurihan naman ni Inday Sara si Ungab dahil sa pagiging good soldier nito at sa paganap sa kanyang tungkulin na may prinsipyo at paninindigan.

Si Ungab ang manok noon ng Hugpong sa Tawong Lungsod na pinamumunuan naman ng magkapatid na Inday Sara at Deputy Speaker Paolo Duterte na nakatunggali naman sa Speakership ni Taguig Rep. At ngayo’y House Speaker Alan Peter Cayetano.

Magugunita na ang presidential daughter din ang sinasabing utak ng pagpapatalsik noon sa pagiging House Speaker ni Rep. Pantaleon Alvarez.

Facebook Comments