Senador Risa Hontiveros, kumbinsidong banta na sa National Security ang POGO

Muling nanawagan si Senator Risa Hontiveros para suspendihin na ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO companies dahil isa na itong malaking banta sa seguridad ng bansa.

Paliwanag ni Pontiveros, ang POGO ang dahilan kaya dumadagsa ang mga Chinese Nationals na karamihan ay ilegal na nagtatrabaho, hindi nagbabayad ng buwis at gumagawa pa ng krimen gaya ng kidnapping, money laundering, prostitusyon, at pagpatay.

Labis ding ikinabahala ni Hontiveros ang impormasyon ni Senator Richard Gordon na ginagamit ang mga POGO para makapag-espiya umano sa atin ang China at para makapagpasok ng malaking salapi  na posibleng ginagamit sa mga ilegal na aktibidad.


Binigyang diin ni Hontiveros, may may dalawang batas ang China kung saan pwede nitong utusan ang kanilang mamamayan at pribadong organisasyon na kumalap ng intelligence information saan mang bansa.

Facebook Comments