Roxas City, Capiz – Nagsagawa ng rally at candle lighting sa Roxas City Public Plaza ang Hugpong Transport- Capiz sa pangunguna ng kanilang presidente na si Jobert Carandang upang ipaabot sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa gagawing pag-phase out ng mga lumang jeep sa ilalim ng modernization program ng LTFRB at DOTr.
Ayon kay Carandang, “dapat pag-aralan muna ng gobyerno ang modernization program dahil makaepekto ito sa pangkabuhayan ng libo-libong operators at drivers ng mga pampasaherong jeep at van.
Sinabi din nito na hindi kaya ng mga maliliit na operators ang bank loan na ipagkakaloob ng pamahalaan kung saan magkakaroon lamang umano ng corporate monopoly na ang may kakayahang mag-operate ng jeep ay ang mga malalaking kompanya.
Samantala, suportado din ng Hugpong Transport-Capiz ang resolution ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na dapat pa-iimbestigahan ang modernization program ng LTFRB at DOTr.