Hukom na humawak sa kaso ni Kerwin Espinosa, nagpasaklolo sa Korte Suprema at NBI

Manila, Philippines – Posibleng humingi nang saklolo ang hukom na may hawak ng kaso ni Kerwin Espinosa sa Supreme Court at NBI.

Ayon kay Judge Silvino Pampilo Jr. ng Manila Regional Trial Court Branch 26, ito ay hinggil sa kanyang seguridad matapos mapunta sa kanyang sala ang kaso ni high profile inmate at alleged drug lord Kerwin Espinosa.

Ayon kay Judge Pampilo, nangangamba siya para sa kanyang seguridad lalo na at malalaking tao ang posibleng masagasaan sa kanyang gagawing desisyon.


Dagdag pa ni Pampilo, pitong beses nang pinagtangkaan ang kanyang buhay kabilang na ang pagpapasabog ng kanyang sasakyan.

Ito aniya ay resulta ng mga high profile cases na kanyang hinahawakan kung saan tumanggi siyang magpasuhol sa mga nag-aalok at nangungurap sa kanya.

Facebook Comments