HULI │Labing-isang indibidwal, arestado sa buy-bust operation sa Taguig City

Manila, Philippines – Arestado ang labing isang indibidwal kabilang ang isang dating aktor matapos ang ikinasang drug buy bust operation ng PDEA sa isang 5-star hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Edmond Remegio, Carlo Kasala, Manuel Valdez, Jake Tolentino, Jose Carlo Torres, Mario Aclan (make-up artist), Angelo Padasas, Jevel Ucero, Legui Brylle Gonzales, Bryan Dizon At Malik Coronel, isang model actor.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, naaktuhan nila ang mga suspek na nasa isang sex party kung saan lahat ng mga nahuli ay naabutang mga naka underwear lang at isa dito ay aminadong may sakit na HIV.
Gumagamit pa ang mga suspek ng call sign sa kanilang sex party, kabilang na dito ang PNP-Party at play kemron-chemical romance kung saan nakuha sa kanila ang 20 tablet ng ecstacy, 8.6 grams ng shabu at 12 bottle ng liquid ecstasy.
Nagsasagawa naman ng beripikasyon ang PDEA matapos nilang marekober ang isang cellphone at nakarehistro dito ang pangalan ng ilang sikat na artista.

Facebook Comments