LUNOD SA CREEK │ Insidente, patuloy na iniimbestigahan

Manila, Philippines – Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pagkalunod ng isang 13-anyos na batang lalaki sa isang creek sa Brgy. Bangkal, Makati City.
Nasawi noon din ang biktima na nakilala lamang sa alias na “ading Vargas”, walang permanenteng tirahan nang mahulog sa creek matapos na atakihin ng sakit nitong epilepsy.
Na-revived naman aniya ang biktima nang ma-rescue ito, subalit ilang sandali ay nagsuka nang nagsuka ito hanggang sa tuluyang bawian ng buhay.
Ngunit, sa bersiyon naman ng isa sa mga testigo, na nakilala sa pangalang alias “Bernard” tumalon umano ang biktima sa naturang creek at masuwerte naman aniyang nasagip ito ng isa sa mga residente.
Pero muli daw itong tumalon at dito na tuluyang nalunod ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Facebook Comments