Parañaque City – Nasa 126 na indibidwal ang naaresto sa ikinasang anti-criminality operations ng Parañaque City Police sa buong magdamag.
Karamihan sa mga naaresto ay mga nahuling nag-iinom sa kalsada, nagsusugal, walang damit pang-itaas, mga menor de edad na lumabag sa curfew hour at may mga standing warrant.
Pero ayon kay Police C/ Insp. Arnold Acosta – mas kakaunti ang naaresto nila ngayon kumpara sa mga nauna nilang operasyon.
Ibig sabihin, epektibo ang isinasagawa nilang anti-criminality operations at nadadala nang makulong at magmulta ang mga pasaway sa lungsod.
Samantala, 17 motorsiklo rin ang nakumpiska dahil naman sa kakulangan ng dokumento.
Alas 10:00 kagabi nang simulang suyurin ng mga otoridad ang labing-anim na barangay sa lungsod.
Facebook Comments