ULIT-ULIT | Aberya sa MRT, patuloy na nararanasan

18

Manila, Philippines – Perwisyo pa rin sa mga commuter ng Metro Rail Transit (MRT) ang araw-araw na aberya sa mga tren.

Alas 8:26 kaninang umaga nang pababain sa Santolan station ang daan-daang pasahero ng tren dahil sa technical problem.

Dahil dito, naabala ang biyahe ng ibang tren na nagresulta ng mahabang pila sa ibang MRT stations.

Alas-otso kagabi sa kalagitnaan ng rush hour nang magka-aberya rin ang isa nitong tren sa Cubao station.

Habang dalawang aberya ang naitala noong Miyerkules.

Facebook Comments