HULI! | 2, arestado matapos mahulihan ng baril at patalim sa Bacolod City

Bacolod City – Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng patalim, baril at mga bala sa North Capitol Road sa Barangay 4, Bacolod City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Jhunbie Benjamin at Enrile Lagutiman na kapwa residente ng Barangay Mansilingan.

Sa ulat, hinarang sa checkpoint ang sinasakyang tricycle ng dalawa kung saan nang kapkapan, nakuha kay Benjamin ang isang .45 kalibre na baril na may pitong bala habang isang kutsilyo na may habang 14-pulgada ang nakumpiska kay Lagutiman.


Inaalam na kung sangkot ang dalawa sa serye ng holdapan at patayan na nagaganap sa North Capitol Road.

Facebook Comments